Tiniyak ng Malacañang na hindi haharangin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang magbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN para maipagpatuloy nila ang kanilang Free TV at Radio Broadcast.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nirerespeto ng Palasyo ang desisyon ng Kamara na ipasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6732, na nagbibigay ng prangkisa sa network hanggang October 31, 2020.
Sinabi pa ni Roque na walang nakikitang dahilan si Pangulong Duterte na i-veto ang panukala kung naaayon naman ito sa konstitusyon.
Muli ring iginiit ng Palasyo na nananatiling neutral ang Pangulo sa isyu ng prangkisa.
Facebook Comments