Ipinapanukala ngayon sa Kamara ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga Kongresista at iba pang public official.
Para kay Cavite 4th District Representative Elpidio Barzaga Jr., dapat ding magsagawa ng random drug test sa mababang kapulungan at mga lokal na opisyal.
Ang Dept. of Interior and Local Government (DILG) aniya ang mangunguna sa pagsasagawa ng drug test sa mga local official.
Kung hindi susunod, dapat lamang na patawan ng parusa kagaya ng suspensyon o dismissal sa serbisyo.
Isang resolusyon ang kanyang ihahain para sa random drug testing para sa mga kongresista.
Sinabi naman ni House Committee on Dangerous Drugs Chairperson, Surigao Del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, minsan na rin niyang ginawa ang random drug testing pero hindi ito kinagat ng kanyang mga kasamahan.
Iginiit naman ni House Minority Leader, Manila 6th District Rep. Benny Abante Jr., dapat hindi lamang sa mga kongresista ang sumalang sa random drug test, kasama rin dapat ang mga Senador.
Nais naman ni Ako-Bicol Party-List Rep. Alfredo Garbina na gawing mandatory ang drug testing.
Bukas ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa panukala.