Panukalang regulasyon tulong sa cooperative banks, lusot na sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng mababang kapulungan ang panukalang batas na magre-regulate sa mga aktibidad ng mga Cooperative Bank (CB).

Ito ay ang House Bill 8265 na nakakuha ng 206 na botong pabor mula sa mga kongresista.

Layunin ng panukala na mahimok ang mga Pilipino na sumali sa cooperative banks na makatutulong sa pag-unlad ng mga kooperatiba sa bansa.


Sa ilalim ng panukala ay papayagan din ang mga foreign cooperative na sumali sa kondisyon na hindi maaaring mag-may-ari ang mga ito ng mahigit 40% ng kabuuang outstanding voting share ng lokal na cooperative bank.

Base sa panukala, ang mga organisasyon na mayroong hindi bababa sa 15 kooperatiba na nakarehistro sa ilalim ng Cooperative Code ay papayagan na magrehistro ng CB sa Cooperative Development Authority (CDA) kapag kanilang nakompleto ang mga requirement na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pinapahintulutan din ng panukala ang mga CB na magbigay ng iba’t ibang serbisyong pinansyal gaya ng pagpapa-utang, pagtanggap ng deposito, discounting at rediscounting, correspondent banking, pagpasok sa debt security at palitan ng pera.

Facebook Comments