Panukalang reresolba sa mga programa sa basic education, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

 

Nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 8210 o ang panukalang pagbuo at pagpondo sa Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL Program.

Ayon kay House Committee on Basic Education and Culture Chairman at Pasig Rep. Roman Romulo, layunin ng panukala na mapalakas pa ang edukasyon sa ating bansa.

Sabi ni Romulo, hangad ng ARAL Program na maresolba ang anumang “gaps” at problema sa basic education, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng national academic intervention program.


binanggit ni Romulo na ang panukala ay tugon sa resulta ng Programme for International Student Assessment o PISA at iba pang report o pag-aaral na nagpapakita ng kasalukuyang estado at mga hamon sa sektor ng edukasyon na pinalala ng COVID-19 pandemic.

Pangunahing tutukan ng ARAL program ang reading, mathematics, at science.

Facebook Comments