MANILA – Isinulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang panukalang batas na layong payagan ang same sex marriage sa bansa.Ayon kay Alvarez, inuumpisahan na niya ang pagbuo ng draft na papabor sa Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) community.Pero, Nilinaw ni Alvarez, na ordinaryong panukala lamang ang kaniyang ihahain at hindi priority bill.Inamin naman ni Camarines Sur Congressman Luis Raymund “L-Ray” Villafuerte na maraming kongresista ang nagulat at iginiit na dapat pag-aralang mabuti ang panukala.Aminado ang House Speaker na maraming kokontra sa nasabing panukala.Sa mga nakalipas na kongreso, may mga nagtatangka nang maghain ng kaparehas na panukala… Pero, hindi ito naging prayoridad dahil na rin patuloy na pagtutol ng Simbahang Katolika.
Panukalang Same Sex Marriage, Isusulong Muli
Facebook Comments