PANUKALANG SAN NICOLAS HYMN, ITINANGHAL SA PUBLIC CONSULTATION

Itinanghal ng ilang kabataan sa San Nicolas ang mungkahing lokal na himno ng bayan kasabay ng public consultation ngayong Nobyembre.

Ayon sa Sangguniang Bayan, ang konsultasyon ay layuning makabuo ng himno na may makatarungang liriko na nagsisilbing simbolo ng pagkakakilanlan ng mamamayan ng San Nicolas.

Itinuturing na matagumpay ang pagtitipon na dinaluhan ng mga educators, cultural advocates, youth leaders, at iba pang residente na nagbahagi ng kanilang mungkahi sa binubuong himno.

Matatandaang noong Hunyo, ipinakita ng punong-guro ng San Rafael National High School katuwang ang grupo ng kabataang musikero ang panukalang San Nicolas Hymn na pinamagatang “Itinatanghal ang Bayan ng San Nicolas” sa lokal na pamahalaan.

Ayon sa grupo, ang hymn ay dadaan pa sa ilang proseso tulad ng karagdagang rebisyon, recording session, wastong dokumentasyon at pormal na pag-apruba bago ito maging opisyal na awit ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments