Muling iminungkahi ni Senator Bong Go ang panukalang Senate Bill No. 188 na may layong lumikha ng isang departamentong para sa Disaster Resilience sakaling magkaroon muli ng mga sakuna.
Layunin ng naturang panukala ay upang-pag-isahin na ang lahat ng mga nararapat at kailangang mga tungkulin at responsibilidad na kasalukuyan aniyang nakakalat sa iba’t ibang ahensya na nakatuon sa disaster-related matters.
Kaakibat nito, bumisita ang naturang senador sa lalawigan ng Pangasinan partikular na sa mga bayan ng Calasiao, San Fabian at Dagupan City upang magpa-abot ng tulong sa kabuuang 1, 300 residenteng lubhang naapektuhan ng Bagyong Egay, pagbaha at ng sama ng panahon na pinagtibay ni Bagyong Falcon.
Samantala, bukod sa ipinapanukala nito, patuloy naman ang pagpapatayo ng Senador ng mga Super Health Centers sa lalawigan kung saan nasa labingsiyam (19) na SHC ang itatayo sa lalawigan kung saan target na ipatayo ang nasa 600 mga SHC.
Matatandaan na nauna nang nakapagtayo ang mga Lungsod ng Dagupan, Alaminos, Manaoag, Urbiztondo at marami pang iba na may layong makapag-bigay ng serbisyong medical gaya na lamang ng dental, laboratory, Xray at ilan iba pang mga serbisyong medikal. |ifmnews
Facebook Comments