Panukalang “SIM Card Registration Act”, pasado na sa House Committee Level

Pasado na sa House Committee on Information and Communications Technology ang committee report at “consolidated version” ng mga panukala ukol sa “SIM Card Registration Act.”

Pumabor sa panukala ang 51 mga miyembro ng komite at si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel lang ang tumutol.

Ini-uutos ng panukala ang pagpaparehistro ng lahat ng postpaid at prepaid mobile phone subscriber identity module o SIM cards sa layuning masawata ang mga indibidwal na mayroong masamang balak o krimen.


Daan din ito para makilala ang mga scammer na gumagamit ng SIM card sa kanilang modus o panloloko.

Ayon kay Committee Chairman Navotas Representative Toby Tiangco, ang primary bill ay ang House Bill No. 14 na inihian nina House Speaker Martin Romualdez, Ilocos 1st District Representative Alexander Marcos at Tingong Party-list Representative Yedda Marrie Romualdez at Jude Acidre.

Facebook Comments