Isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Santo Tomas, Pangasinan ang isang public hearing para talakayin ang Draft Municipal Ordinance No. 01, Series of 2025 na nagtatakda ng speed limit at tamang vehicle distancing sa buong bayan.
Layunin ng ordinansa na mapalakas ang road safety, maiwasan ang aksidente, at masiguro ang proteksyon ng mga estudyante, pedestrian, at motorista.
Dinaluhan ang pagdinig ng mga opisyal ng bayan, mga kinatawan ng barangay, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, transport groups, at mga kinatawan mula sa bus companies at LTO upang maipresenta ang kani-kanilang pananaw.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang malawak na suporta ng mga dumalo sa panukalang ordinansa ay hakbang tungo sa mas ligtas na kalsada sa Santo Tomas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









