Panukalang sumailalim sa drug test ang pangulo ng bansa kada taon, binara sa Kamara

Mariing kinontra ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan ang panukalang batas ni Senator Robinhood Padilla na sumailalim sa annual mandatory drug test ang pangulo ng bansa at iba pang opisyal ng gobyerno.

Tahasang sinabi ni Libinan na sa halip na linisin ni Padilla ang sariling bakuran, ay inihihilis nito ang isyu at ginagamit ang pangulo sa gimmick at publicity stunt.

Pinuna rin ni Libanan ang timing ng paghahain ni Padilla ng panukala ilang araw matapos masangkot ang staff nito sa marijuana controversy sa loob mismo ng gusali ng Senado.

Giit ni Libanan, dapat panatilihin ang dignidad ng Office of the President (OP) at dapat itong manatili kahit sino pa ang nakaupong pangulo ng bansa.

Babala pa ni Libanan, maaaring maging katawa-tawa sa buong mundo ang Pilipinas kung hahamakin at hindi natin irerespeto ang pinakamataas na lider ng ating bansa.

Nilinaw naman ni Libanan na walang pino-protektahan ang minorya sa Kamara at nais lang nilang maproteksyunan ang mismong institusyon.

Facebook Comments