Panukalang tax exemption sa allowance ng poll workers, muling inihain sa Kamara

Muling inihain ng Makabayan Bloc ngayong 19th Congress ang panukalang batas na huwag ng patawan ng buwis ang honoraria, travel allowances, at iba pang benepisyo na ibinibigay sa mga nagsisilbi tuwing eleksyon katulad ng mga guro.

Ang naturang panukala ay nakapasa na sa ilalim ng nakalipas na 18th congress pero i-vineto o ibinasura ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Makabayan Bloc, ang halaga ng tax exemption para sa poll workers ay tinatayang nasa ₱138.6 million na “foregone government revenues” o mawawala sa gobyerno.


Pero giit ng Makabayan Bloc, ang nasabing halaga na mawawala sa pamahalan ay maliit lamang kumpara sa maitutulong nito sa libo-libong guro at iba pang poll workers sa gitna ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Giit ng Makabayan, dapat ma-enjoy at ganap na mapakinabangan ng mga poll worker ang kompensasyon na ipinagkakaloob sa kanila.

Paliwanag pa ni Makabayan bloc, ang pagpapataw ng buwis sa tinatanggap ng mga poll workers ay taliwas sa itinatakda ng Republic Act 10756 na nag-uutos na suklian ng tama ang sakripisyo at serbisyo ng mga nagsisilbi tuwing halalan sa bansa.

Facebook Comments