Panukalang tax exemption sa honoraria ng mga guro, hiniling kay Pangulong Duterte na isabatas na

Mariing umaapela si ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro kay Pangulong Rodrigo Duterte na pirmahan na agad ang panukalang tax exemption para sa mga poll workers.

Bago ang “sine die adjournment” ay kinatigan ng Kamara ang Senate Bill 2530 na naglilibre mula sa income tax ng honoraria, allowances at iba pang benepisyo para sa mga guro at iba pang nagsilbi nitong nakaraang May 9 elections.

Ikinatuwa naman ng assistant minority leader ang mabilis na tugon ng Kamara na isang malaki at magandang balita para sa mga nag-volunteer bilang Electoral Boards nitong nagdaang halalan na karamihan ay public-school teachers at Department of Education (DepEd) employees.


Tinatayang libu-libong guro at empleyado ang makikinabang sa nakaraang 2022 elections at mga halalan sa hinaharap kapag inaprabuhanan ni Pangulong Duterte ang naturang panukala.

Karapat-dapat lamang aniya na makatanggap ng nasabing benepisyo ang mga tumayong poll workers bilang pagkilala at pagpapasalamat ng mga Pilipino sa kanilang naging sakripisyo na maituturing din na isang uri ng kabayanihan.

Facebook Comments