Panukalang titiyak na may libreng malinis na inuming tubig para sa lahat ng empleyado sa bansa, isinulong sa Kamara

Isinulong ni CIBAC Party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva ang House Bill 9943 o panukalang titiyak na mabibigyan ng libreng malinis na inuming tubig ang mga empleyado, sa pribadong sektor man o gobyerno sa buong bansa.

Diin ni Villanueva, “water is life” pero nakakalungkot na sa kabila ng pagiging “water rich” ng Pilipinas ay marami pa ring mga Pilipino lalo na ang mga manggagawa ang walang access sa ligtas, maiinom, at libreng tubig.

Sa ilalim ng panukala ni Villanueva, oobligahin ang lahat ng employers sa bansa kasama ang mga opisina ng pamahalaan na maglaan ng libreng tubig para sa mga kawani nito.


Bukod sa pagtiyak na may maiinom ang mga empleyado, target din ng panukala na mabawasan ang paggamit ng “single use plastic bottles” na mapanganib sa kalikasan.

Facebook Comments