Panukalang TRAIN Package 4, hindi pakikinabangan ng mamamayan

Bumoto ng ‘no’ ang ACT Teachers Party-List sa House Bill 4339 o panukalang Comprehensive Tax Reform Package 4 na pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara

Sa ilalim nito ay inalis ang tax exemption sa binibiling pick-up truck, gayundin ang exemption sa interest income tax ng foreign currency deposits at ang pag-alis din sa documentary stamp tax certificate of profits, bank credits, bank checks, bills of exchange at iba pa.

Giit ni ACT Teachers Party-List Representative France Castro, hindi mapapakinabangan ng ordinaryong mamamayan ang panukalang ito dahil hindi totoo na mahihikayat nito ang mga Pilipino na mag-impok sa bangko at sa investment.


Paliwanag ni Castro, ito ay dahil ang perang kinikita ng mga ordinaryong mamamayan ay sapat lang sa pantustos sa pangangailangan nila tulad ng pagkain, tirahan, edukasyon, at ibang produkto at serbisyo.

Diin ni Castro, ang kailangan ng mamamayan ay itaas ang sahod at suweldo at ibaba naman ang mga buwis at presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Facebook Comments