Umapela si Senator Risa Hontiveros sa mga kasamahang mambabatas na agad ipasa ang Teenage Pregnancy Prevention Bill sa harap ng lumolobong bilang ng nabubuntis sa murang edad.
Giit ni Hontiveros, kailangang matugunan ang maagang pagbubuntis upang hindi ito makadagdag sa hinaharap ngayong mga problemang dulot ng pandemya at krisis sa ekonomiya.
Nakapaloob sa panukala ang social protection para sa mga batang ina, pangangalaga sa kanilang kalusugan habang nagbubuntis, pagtanggap ng tamang impormasyon ukol sa pagdadalang-tao at gabay sa pagpapalaki ng kanilang anak.
Apela ni Hontiveros, ipasa na ang panukala upang hindi mapabayaan na dumami pa ang mga kabataang Pilipinong mapagkakaitan ng magandang kinabukasan dahil sa maagang pagbubuntis.
Facebook Comments