Manila, Philippines – Tinutulan ng ilang majority senator ang panukalang tuluyan nang itigil ang operasyon ng Metro Rail Transit – 3.
Ayon kay Senate Majority floorleader Tito Sotto, ang riding public ang mahiirapan dahil marami ang umaasa sa pagsakay sa MRT araw-araw.
Ayos lang kung pansamantalang ihinto ang operasyon nito sa loob ng isa hanggang dalawang araw para maayos ang mga problema.
Para naman kay Senator Gringo Honasan, mas maiiwasan ang mga aberya sa tren kung magiging maingat ang gobyerno sa pagbibigay ng kontrata sa magiging maintenance provider ng MRT.
Facebook Comments