Panukalang tutugon sa job skills mismatch at employability sa bansa, tinatalakay na sa plenaryo ng Senado

Inisponsoran ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang panukalang tutugon sa problema ng job-skills mismatch at employability ng mga manggagawang Pilipino sa bansa.

Layon ng Senate Bill 2587 o Enterprise-Based Education and Training Framework Act na paghusayin at makapagbigay ng framework na mag-uugnay sa mga pagsasanay at programa para tumugma sa mga available na mga trabaho sa bansa.

Ayon kay Villanueva, mahalagang matugunan ang pangangailangan sa de-kalidad na trabaho na tugma o akma sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya sa produksyon sa bansa.


Tinukoy ni Villanueva na dating TESDA Chief, na ang laganap na job-skills mismatch ay nakakadagdag sa unemployment at underemployment rate sa bansa na nasa 4.3% at 12.3% batay na rin sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Dagdag pa ni Villanueva, hindi na bago ang enterprise-based training at napatunayan na basta’t ginawa ang pagsasanay sa loob ng mga pagawaan o sa loob mismo ng kompanya ay tiyak na akma ang skills sa trabaho.

Facebook Comments