Panukalang tutugon sa kawalan ng access ng milyun-milyong mga Pilipino sa malinis na tubig, inihain sa Kamara

Isinulong ni Agri Party-list Representative Wilbert “Manoy” Lee ang pagtatayo ng potable water supply system sa buong bansa.

Nakapaloob ito sa House Bill No. 10531 o panukalang “Rural Potable Water Supply Act” na kapag naisabatas ay lalaanan ng inisyal na pondong 500-milyong piso at sa mga susunod na taon ay ipapaloob na sa national budget.

Ang panukala ni Lee ay umaayon sa direktiba ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hanapan ng kongkretong solusyon ang kawalan ng access sa malinis at ligtas na tubig ng 40 milyong Pilipino.


Ipinunto pa ni Lee na bansa tayong napaliligiran ng tubig pero uhaw at tuyot ang milyon-milyong Pilipino sa ligtas na inumin.

Sa panukala ni Lee, ang pagtatayo ng portable water supply system ay pangungunahan ng National Water Resources Board katuwang ang Department of Health (DOH), DENR, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at and the Department of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments