Panukalang two day number coding scheme, ibinasura ng Metro Manila Council

Manila, Philippines – Ibinasura ng Metro Manila Council ang panukalang ‘twice-a-week number-coding scheme’.

Sa presentasyon ng naturang panukala, iginiit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim, mahirap gumawa ng solusyon sa nararanasang trapiko kung tuluyan ang pagdami ng mga sasakyan habang ang kalsada ay hindi nadadagdagan.

Aniya, epektibo ang number-coding scheme sa ngayon kung saan isang araw sa isang linggo hindi maaaring bumiyahe ang mga sasakyan.


Tuwing Lunes, hindi maaaring bumiyahe ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2; sa Martes, 3 at 4; Miyerkules, 5 at 6; Huwebes, 7 at 8; habang 9 at 0 naman tuwing Biyernes.

Nabatid na isa rin sa mga naging panukala sa MMDA ay ang gawing one-way ang kahabaan ng EDSA at C5 road para sa mga sasakyan tuwing weekdays.
Carpooling, nakikitang pinakamagandang opsyon sa traffic congestion sa EDSA

Posibleng ipagbawal na sa EDSA sa susunod na taon ang mga sasakyang tanging driver ang nakasakay sa oras na aprubahan ang panukalang carpooling.

Sa pulong ng Metropolitan Manila Development Authority at ng Metro Manila Council, napag-usapan ang lahat ng proposals na inilatag ng lahat ng sektor para mabawasan ang traffic congestion sa EDSA.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, kung mayroon tatlong pasahero sa kotse, tatanggalin ang number coding at makadaraan ang sasakyan sa EDSA kahit anong oras at araw.

Sakali namang dalawa lamang ang pasahero, subject pa rin ng number coding scheme ang sasakyan pero kung isa lamang ang sakay ay bawal ito sa EDSA anumang oras.

Facebook Comments