Para kay House Committee on Ways and Means at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, mainam na pag-aralang mabuti ang panukalang P100 na umento sa sweldo ng mga manggagawa.
Paliwanag ni Salceda, higit na tatamaan at mamamatay ang mga maliliit na negosyo o small and medium enterprises.
Ayon kay Salceda, 99 percent ng mga negosyo sa bansa ay SMEs.
Ayon kay Salceda, pinakamabuting paraan na ipaubaya ang pagtalakay ng usapin ng umento sa sahod sa mga regional wage and productivity board.
Facebook Comments