Panukalang “universal social pension” para sa lahat ng senior citizens sa Pilipinas, pasado na sa Kamara

Sa botong pabor ng 232 mga kongresista at walang tumutol ay pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 10423 o panukalang “universal social pension” para sa lahat ng senior citizens sa Pilipinas.

Sa ilalim ng panukala ay awtomatikong mabibigyan ng pension ang mga edad 60-anyos pataas, mahirap man o mayaman.

Batay sa panukala, ang mga benepisyaryong mahihirap na senior citizens ay patuloy na makatatanggap ng P1,000 kada buwan habang P500 kada buwan naman ang ibibigay sa iba pang miyembro ng senior citizen population.


Sa plenaryo ay inihayag ni United Senior Citizen PL Rep. Milagros Magsaysay ang lubos na tuwa ng mga senior citizen sa pagpasa ng Kamara sa panukala.

Pinasalamantan din ni Magsaysay sina Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr., at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez dahil sa kanilang respeto at malasakit sa mga nakatatanda nating kababayan.

Facebook Comments