
Pinapatuldukan na ni Cavite First District Representative Jolo Revilla ang “endo” o end-of-contract sa sektor ng paggawa na aniya’y hindi makatarungan para sa mga manggagawa.
Ang hirit ni Revilla ay nakapaloob sa inihain niyang House Bill Number 79 o ang panukalang Security of Tenure Act na tuluyang magbabawal sa labor-only contracting at tutuldukan ang end-of-contract schemes.
Sa ilalim ng panukalang batas ni Rrevilla, lahat ng uri ng trabaho ay dapat i-classify bilang regular na posisyon sang-ayon din sa karapatan ng mga manggagawa sa regular employment, job security, at long-term benefits.
Giit ni Revilla, ang kanyang panukalang batas ay hindi anti-business, kundi pro-worker and pro-growth.
Paliwanag pa ni Revilla, ang pagtiyak ng patas na pagtrato sa mga manggagaw ay daan para sila ay maging tapat, produktibo at may kakayahang mag-ambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.









