Thursday, February 26, 2026

Panukalang wakasan ang “turncoatism” o mga “balimbing” sa politika, isinulong sa Kamara

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang wakasan ang “turncoatism” o mga “balimbing” sa larangan ng politika sa Pilipinas kaakibat ng pagpapalakas at pag-professionalize sa mga political parties.

Nakapaloob ito sa House Bill 7914 o panukalang Political Party System Reform Act na inihain nina Representatives Adrian Michael Amatong, Arlene “Kaka” Bag-ao, Jaime Fresnedi, Cielo Krisel Lagman, at Alfonso Umali Jr. na pawang kasapi ng Liberal Party Bloc.

Binigyang diin sa panukala na kailangang mareporma ang mga partido politikal dahil ito ang pundasyon ng isang gumagana at matatag na demokrasya.

Diin ni Representative de Lima, panahon na para magkaroon ng mga partido politikal na pinapanday ng prinsipyo at tunay na serbisyo sa mga Pilipino, hindi ng interes ng mga politiko o kung sinong mga nasa pwesto.

Kasama sa reporma ang pagpapataw ng parusa sa mga political butterflies o mga balimbing na palipat-lipat ng partido na nagpapahina sa kahalagahan ng karangalan, integridad, at pananagutan na pawang kailangan para sa mahusay na serbisyo sa pubiko.

Facebook Comments