Lusot na sa ikatlong pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6444 o panukalang Waste Treatment Technology Act na layuning mapababa ang volume ng basura sa bansa at pahabain ang service life ng sanitary landfills.
244 na mambabatas ang bomoto pabor sa panukala, isa ang nag-abstain at 3 ang tumutol.
Iniuutos ng panukala ang paglalatag ng panuntunan sa paggamit ng treatment technologies sa pagtatapon ng municipal at hazardous waste at pagproseso sa anumang waste material para gawing fuel.
Pinaglalatag naman ng panukala ang mga lokal na pamahalaan kanilang waste treatment facilities na aaprubahan ng National Solid Waste Management Commission.
Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Energy (DOE) ang magpapatupad sa nilalaman ng panukala sakaling ito ay maisabatas.
Inaatasan din ng panukala ng DENR at DOE na isulong ang paggamit ng state-of-the art, environmentally sound at ligtas na teknolohiya para sa treatment, utilization at pagtatapon ng residual waste.
Sa ilalim ng panukala ay bibigyan naman ng fiscal at non-fiscal incentives ang mga mamumuhunan at host ng waste treatment programs.