Panukalayang Bayanihan 3, inihain ni Senator Ralph Recto

Inihain ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Senate Bill number 1953 o panukalang Bayanihan to Rebuild as One Act o Bayanihan 3.

Kasunod ito ng Bayanihan 1 o Bayanihan to Heal as One Act at Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act.

Pinapopondohan ni Recto ng P485 billion ang Bayanihan 3 kung saan ang P55 billion ay pambili ng bakuna laban sa COVID-19.


May bukod ding P55 billion para sa handling ng bakuna, pagkuha contact tracers, COVID-19 tests na sasagutin ng PhilHealth at para sa hazard at duty pay ng health workers.

Paglalaanan naman ng P70 billion ang social amelioration o ayuda sa mga mahihirap at manggagawa na labis na naapektuhan ng pandemya at P20 billion para sa matinding nabiktima ng mga humagupit na bagyo.

Mayroon ding P50 billion para sa rehabilitasyon ng mga lugar na labis na sinalanta ng mga kalamidad.

Pinapabigyan din ng pondo ang Comission on Higher Education (CHED) at ang Department of Education (DepEd) para sa internet allowance ng mga guro at estudyante.

Pinapakilos din ng Bayanihan 3 ang Department of Trade and Industry (DTI) para tulungan sa puhunan at restructuring ng utang ang mga maliliit na negosyo habang pinapaglatag naman nito ng resilience plan ang National Economic and Development Authority (NEDA).

Facebook Comments