Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukala na layong tanggalin ng expiration date sa mga gift checks at certificate at pagmultahin ng malaki ang mag-iisyu nito.
Sa ilalim ng panukalang gift check act of 2017, mapo-proteksyunan ang mga konsumer laban sa mga mapanlinlang at nanlalamang ng mga nag-iisyu ng gift certificates.
Ayon kay Dept. of Trade and Industry (DTI) Undersecrertary Ted Pascua – mayroon na silang Administrative Order na ipinagbabawal ang expiration date sa mga gift check.
Aniya, bibigyan ng pangil ng panukalang batas sa Senado ang kanilang administrative order.
Dagdag pa ni Pascua – sa panukalang batas, magagamit ang G-C hanggang sa huling sentimo nito.
Mayroon aniya kasing mga mall, grocery at dept. Stores na hindi tinantanggap ang G-C kapag may pilas, punit o kaya naman may butal.
Aabot sa 50,000 hanggang isang milyong piso ang multa sa mga mag-iisyu ng G-C na may expiration date.