Pina-plantsa na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ilalabas nitong panuntunan sa ship owners na iwasan ang paglayag sa mga war-like zones.
Kasunod ito ng pagkamatay ng dalawang Filipino seafarers sa missile attack ng Houthi rebels.
Bubuo rin ang DMW ng mga mekanismo para magamit ng Pinoy seafarers ang kanilang “right to refuse” sa pagsakay sa mga barko na dadaan sa mga lugar na itinuturing na war-like zones.
Una nang inihayag ng DMW na hindi sundalo ang Pinoy seafarers at hindi hahayaan ng gobyerno na malagay sa panganib ang buhay ng mga ito sa pagtatrabaho sa mga lugar na may giyera.
Facebook Comments