Panuntunan sa mga private vaccination sites, inilatag sa Valenzuela

Inilatag na ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang mga rules o panuntunan para sa off-site vaccination sites ng mga pribadong kumpanya sa lungsod.

Nakasaad sa lokal na ordinansa o ang COVID-19 Vaccination Site Standardization Protocols and Registration Process for Private Establishments, na dapat mayroong post-inoculations plans at makasunod ang mga ito sa protocols.

Pinaghahanda rin ang mga pribadong kumpanya ng listahan ng eligible vaccine recipients, implementation plan, cold-chain management plan na may accredited cold chain provider, memorandum o kasunduan sa lisensyadong health care facility, at waste management plan.


Nakasaad pa sa ordinansa na dapat mahigpit na sundin ng mga ito ang Department of Health (DOH) standards and guidelines na mayroong sapat na espasyo para sa physical distancing.

Gayundin ang pagkakaroon ng minimum equipment requirements para sa pagpaparehistro, pre-vaccination counseling at final consent, screening, vaccination, at post-vaccination monitoring and surveillance areas.

Higit sa lahat, wala dapat bayad sa pagbabakuna para sa mga serbisyo ng offsite facilities.

Facebook Comments