Panuntunan sa pag-aaresto sa mga lumalabag sa health protocol, lalagdaan na bukas ayon sa DOJ

47

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na lalagdaan na bukas ang guidelines na binabalangkas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ) tungkol sa pag-aaresto at pagkakulong sa mga hindi nagsusuot ng face masks at face shields.

Ayon kay Secretary Guevarra, ipinarating umano sa kaniya na pabor umano in principle si DILG Secretary Eduardo Año sa joint guidelines tungkol sa pag-aresto, pagkakulong, at imbestigasyon sa mga lumalabag sa mahigpit na ipinatutupad na health protocol na ginawa ng DOJ.


Paliwanag ng kalihim mayroon lamang ilang binubusisi pa ang DOJ kung saan ang naturang panuntunan ay agad na ipababatid sa media sa oras na ito’y malagdaan na.

Facebook Comments