Inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panuntunan sa tamang pagbabayad ng sahod sa mga holiday sa November.
Sa DOLE Labor Advisory No. 19 hanggang 21, tinatalakay nito ang panuntunan sa pagpapasahod sa Nobyembre 1, All Saint’s Day na isang special non-working day.
Ayon sa DOLE, sa araw na ito ay umiiral ang ‘no work no pay’ policy maliban na lamang sa special agreement ng kumpanya patungkol sa special holiday.
Mabibigyan ng 30 percent ng kanyang basic wage ang mga papasok sa araw na ito sa unang walong oras ng trabaho.
Sa overtime naman, babayaran ang manggagawa ng dagdag pang 30% ng kanyang hourly rate.
Kung papasukan naman ng isang empleyado ang holiday na tumapat pa sa kanyang rest day, babayaran ito ng dagdag 50% sa kanyang basic wage sa unang walong oras, at dagdag 30% naman sa sobrang oras na itatrabaho nito.
Walang dagdag na bayad ang mga papasok ng Nobyembre 2, All Souls’ Day na idineklarang special working day.
Para sa Nobyembre 30 na isang regular holiday dahil sa Bonifacio Day, double pay ang aasahan ng empleyadong papasok sa araw na ito at babayaran ang hindi papasok sa trabaho.