Pinasimple ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga panuntunan sa pamamahagi ng cash aid o ayuda para sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng krisis at kalamidad.
Sa Memorandum Circular (MC) No. 15 ng DSWD, ang mga nais maging benepisyaryo ay dadaan na lamang sa tatlong proseso:
1. Screening process, kung saan magsusumite ng mga kinakailangan dokumento o ID ang aplikante.
2. Interview sa pagitan ng social worker at aplikante.
3. Release of assistance o pamamahagi ng ayuda.
Ang financial assistance na nasa P10,000 pababa ay ipamamahagi sa loob ng isang araw habang ang P10,000 pataas naman ay ipamamahagi sa makalipas ang tatlo hanggang limang araw.
Facebook Comments