Panuntunan sa pagbibigay ng cash aid sa ECQ areas, walang pagbabago

Hindi magbabago ang panuntunan sa pagbibigay ng cash aid para sa mga apektado ng ipapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa August 6 hanggang 20.

Ito ang paglilinaw ngayon ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na maaapektuhan ng lockdown.

Ayon kay Nograles, P1,000 per individual o maximum ng P4,000 kada pamilya pa rin ang matatanggap na cash assistance.


Hindi aniya magbabago ang guidelines sa pagbibigay at halaga nito tulad ng nakaraan, maliban na lamang kung may gustong baguhin si Pangulong Duterte.

Facebook Comments