Panuntunan sa pagkuha ng remote testimony sa mga may criminal case, inilabas ng Korte Suprema

Inilabas na ng Korte Suprema ang guidelines para sa pagkuha ng remote testimony sa mga akusado sa kasong kriminal.

Ito ay sa ilalim ng Administrative Order Number 19-05-05 o Proposed Guidelines on the Use of Videoconferencing Technology for the Remote Appearance or Testimony of Certain Persons Deprived of Liberty in Jails and National Penitentiaries na inaprubahan ng Court En Banc noong June 25, 2019.

Layunin ng guidelines na matiyak na mapapangalagaan ang constitutional rights ng mga akusado sa court proceedings o ang mga nakakulong sa district, city o provincial jail o sa national penitentiary.


Ang pagkuha ng testimonya sa pamamagitan ng videoconferencing technology ay makakatulong para sa kaligtasan at seguridad ng mga akusado na itinuturing na high-risk o may may nakakahawang sakit.

Ito ay bilang pagsasaalang-alang na rin sa kapakanan ng mga hukom, court personnel at ng publiko.

Sa pamamagitan din ng nasabing teknolohiya, matitiyak ang karapatan ng akusado na makompronta ang testigo laban sa kanya, pati na ang patuloy na pag-usad ng criminal proceeding sa kanyang kaso.

Nakatakdang isailalim ang remote testimony sa pilot testing sa Davao City sa September 1.

Facebook Comments