Posibleng baguhin ng Commission on Election (Comelec) ang mga patakaran nito sa pangangampanya at pagboto sa darating na halalan.
Ayon kay COMELEC acting Chairperson Commissioner Socorro Inting, ito ay kapag ibinaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa bago sumapit ang eleksyon.
Sa harap na rin ito ng kahilingan ng ilang mga kandidato at partido pulitikal na luwagan ng COMELEC ang kanilang panuntunan.
Sinabi ni Inting na ibabatay rin nila sa protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga patakaran na kanilang ipapatupad.
Ayon naman kay COMELEC Spokesman James Jimenez, kabilang sa mga posibleng mabago ay ang pagsusuot ng face shield ng mga botante.
Facebook Comments