Panuntunan sa signing ng Roll of Attorneys ng bar passers, inilabas na ng Korte Suprema

Inilabas na ng Korte Suprema ang guidelines para sa signing of the Roll of Attorneys na siyang huling hakbang para maging ganap na abogado ang mga bar passer.

Ang signing o pagpirma ay isasagawa “in person” sa Supreme Court Division Hearing Room sa Padre Faura, Manila mula July 6 hanggang August 3, 2020.

Ang mga nabigyan ng clearance at dumalo sa online oath taking ceremony ang papayagan na makapirma sa Roll of Attorneys.

Kasabay nito, inilabas na rin ng Korte Suprema ang programa para sa oath taking ceremony ng higit sa dalawang libong mga bagong abogado na nakapasa sa 2019 Bar examinations.

Ang seremonya para sa 2,103 Bar passers ay gagawin sa June 25, 2020, alas-dos ng hapon sa pamamagitan ng video conference dahil sa COVID-19 pandemic.

Mapapanood ang seremonya sa PTV-4 na TV station ng gobyerno.

Batay sa programa na mula sa Korte Suprema, ang oath taking ay pangungunahan mismo ni Supreme Court Chief Justice Diodado Peralta.

Ang “Invocation” ay naka-toka kay Associate Justice Jose Reyes Jr..

Si Associate Justice Estela Perlas Bernabe, na siyang chairman ng 2019 Committee on Bar examinations ang mangunguna naman sa “Recognition of Examiners and Petition for Admission to the Bar of the Successful 2019 Bar candidates.”

Si Clerk of Court Atty. Edgar Aricheta ang “Administrator of the Lawyer’s Oath” habang si Associate Justice Marvic Leonen ang naatasan para i-address ang mga bagong abogado.

Facebook Comments