Panunumpa ng bagong heneral at flag officers ng AFP, pangungunahan ni PBBM

Panunumpa ng bagong heneral at flag officers ng AFP, pangungunahan ni PBM

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng mga bagong promote na heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nakatakda ang seremonya ngayong alas-9 ng umaga, na dadaluhan din nina Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gilberto Teodoro, at AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr.

Noong Pebrero 20, pinangunahan din ng Pangulo ang panunumpa ng 35 bagong na-promote na AFP generals at flag officers, kabilang ang siyam na nagtapos mula sa Foreign Pre-Commission Training Institutions.

Dito ay binigyang-diin ng Pangulo ang pagpapahalaga ng AFP sa kanilang mga opisyal at kawal, at ang paninindigan sa dangal at katapatan sa paglilingkod.

Facebook Comments