
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng League of Provinces of the Philippines (LPP).
Binubuo ito ng mga gobernador mula sa 82 probinsya sa bansa.
Pangunahing tututukan ng LPP ang maayos na konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan bago ipatupad ang malalaking proyektong pambansa para masigurong patas at malinaw ang paggamit ng pondo.
Prayoridad din nila ang solid waste management, pagresolba sa problema ng pagbaha, at dagdag pondo para sa disaster preparedness.
Bukod dito, isinusulong din ng LPP ang pag-amyenda sa local government code para mas maging malaya ang mga LGU sa pamamahala ng kanilang pondo.
Kasama rin sa kanilang plano ang full implementation ng Universal Health Care Act at pagpapalakas ng social services para sa mga probinsya.
Nanatiling National President ng LPP si Governor Reynaldo Tamayo ng South Cotabato.









