Panunumpa ng mga bagong opisyales ng Actors Guild, pinangunahan ni PBBM sa Malacañang

Nanumpa mismo sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bagong talagang opisyales ng Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon o ang Actors Guild of the Philippines sa Palasyo ng Malacañang ngayong umaga.

Sa talumpati ng pangulo sa aktibidad, ipinapaalam nito sa Actor’s Guild o Samahan ng mga Artistang Pilipino na suportado sila ng pamahalaan.

Naniniwala ang pangulo na simula nang mabuo ang grupong Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon ay tumutok ito sa kapakanan ng mga pelikulang Pilipino at nagbigay ng trabaho at oportunidad sa mga Pilipino na nakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.


Kaya naman hinikayat ng pangulo ang grupo na ipagpatuloy ang sinimulan sa pamamagitan ng mga makabuluhang mga inisyatibo.

Facebook Comments