
Pinili ng Senate Impeachment Court na sa July 29 na lang magpanumpa ng mga bagong senator-judges sa kabila ng panawagan ng ilang senador na ngayon na gawin ang oathtaking ng mga bagong hukom.
Paliwanag ni Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, nag-iingat lamang si Senate President Chiz Escudero na makwestyon ang kanyang awtoridad ngayong 20th Congress bagamat nananatili pa rin siyang presiding officer at Senate President.
Sinabi ni Tongol na mas mainam din kung ang bagong mahahalal na Senate President ng 20th Congress na siyang tatayong presiding officer ang magpasumpa sa mga bagong senator-judges.
At para sigurado, hintayin na lamang ng lahat ang pormal na pagbubukas ng sesyon ng 20th Congress at pag-convene muli ng impeachment court.









