Panunumpa ni Sen. Angara bilang DepEd Secretary, hindi pa maitatakda ng Malacañang

Hindi pa maitatakda ng Malacañang ang petsa ng oathtaking ni Sen. Sonny Angara bilang Department of Education (DepEd) secretary.

Ito’y hangga’t hindi pa nagiging epektibo ang resignation ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng kagawaran.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, nananatili pang pinuno ng DepEd si VP Sara hanggang July 18.


Agad naman aniya nilang ipapaalam ang schedule ng oathtaking ng Senador oras na maitakda ito ng Palasyo.

Samantala, umaasa naman ang palasyo na magiging maayos ang transition para sa pagpapalit ng liderato ng DepEd sa darating na July 19.

Facebook Comments