Naniniwala ang isang eksperto na walang magiging epekto ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ng political analyst na si Atty. Michael Yusingco na halos wala rin kasing naiambag ang pangalawang pangulo para masolusyunan ang krisis ng bansa sa edukasyon.
“We are currently in an education crisis. Remember, recently lang may lumabas na results ‘yung PISA na talagang huling-huli na ang mga learners natin even in creative thinking ‘no? Ganun na kalaki ang problema kaya ever since na naging DepEd Secretary si VP Sara eh wala naman siyang nagawang significant to lessen or mitigate the crisis.”
Dagdag pa ni Yusingco, nangangahulugan lamang ito na kawawa ang Pilipinas dahil naiwan ang DepEd sa gitna ng mabigat na problemang kinakaharap nito.
Samantala, sinabi rin ni Yusingco na posibleng maging oposisyon na si Vice President Duterte ngayong wala na ito sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.