PAO, binalaan ang PNP-CIDG oras na hukayin ang bangkay ni Reynaldo de Guzman

Manila, Philippines – Binalaan ng Public Attorney’s Office (PAO) ang Philippine National Police (PNP) sa plano nitong paghukay sa mga labi ni Reynaldo de Guzman alyas Kulot.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, kinukuha na ng Ombudsman ang files ng mga hawak nilang kaso, kabilang na ang pagpatay kay alyas kulot at kay Carl Angelo Arnaiz.

Nagpahayag na rin aniya ang Malacañang na ang National Bureau of Investigation na ang hahawak sa imbestigasyon sa kaso ni Kulot.


Giit pa ni Acosta, kung ipipilit ng PNP na hukayin pa ang mga labi ni Kulot sa sementeryo ay hindi malayong maharap ang mga ito sa kasong administratibo.

Dagdag pa ni Acosta, walang dna result na natatapos sa loob ng dalawa hanggang apat na araw lamang.

Facebook Comments