Manila, Philippines – Nagulat si PAO Chief Persida Acosta sa iniulat ng PNP na resulta ng DNA testing sa labi ni Reynaldo (Kulot) De Guzman.
Sinabi ni Acosta na hindi kapani-paniwala ang ganitong pagsusuri kung ang DNA sample na ginamit ay parehong galing mismo sa katawan ni Kulot.
Kapag hindi rin aniya maingat ang paghawak sa mga DNA samples ay hindi ito maaring ituring na 99.9 percent na accurate.
Sinabi ni Acosta na mas binibigyan niya ng bigat ang positibong pagkilala na ginawang mga magulang sa labi ni Kulot.
Kinukuwestyon din ni Acosta kung sino ang humiling sa pagsasagawa ng DNA test.
Sa tingin ng PAO chief mistulang pinupulitika na ang imbestigasyon sa kaso ng mga menor de edad na pinatay.
Facebook Comments