Pinatawan ng Korte Suprema si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta ng P180,000 multa para sa indirect contempt of court at grossly undignified conduct prejudicial to the administration of justice.
Unanimous ang desisyon ng Supreme Court En Banc na pagmultahin si PAO chief Persida Rueda-Acosta dahil sa indirect contempt of court at grossly undignified conduct prejudicial to the administration of justice.
Base sa inilabas na pahayag ng Supreme Court, nag-ugat ito sa paglalabas ng negatibong sentimyento ni Atty. Acosta sa social media laban sa pagbabago sa paggamit ng “conflict of interest” ng mga abogado ng PAO sa ilalim ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).
Ayon sa Korte Suprema, nagdulot ng “ill intent and malice to the Court” ang mga pahayag ni Acosta sa kaniyang Facebook page.
Nagbabala rin ang Korte Suprema na mas mabigat ang parusa ang mauulit ang paglabag.