Manila, Philippines – Binanatan ngayon ni Public Attorneys Office Chief Persida Acosta si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa paninisi sa kanya hinggil sa pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa.
Sa cabinet meeting noong Miyerkules kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinisi umano ni Duque ang PAO sa ginagawa nitong imbestigasyon sa Dengvaxia vaccine na nagdulot naman ng takot sa mga magulang dahilan upang maging ang mga garantisadong mga bakuna ay hindi na rin pinagkatiwalaan ng publiko.
Pero sa interview ng RMN kay Acosta, pumalag ito at sinabing huwag sa kanila isisi ang isyu dahil sumunod lamang sila sa kautusan ni Pangulong Duterte na imbestigahan ang kontrobersyal na anti-dengue vaccine.
Giit ni Acosta, palusot lamang ito ng DOH lalo na at napabayaan ng ahensya ang information drive ng pamahalaan kakatutok nila sa isyu ng Dengvaxia.