Manila, Philippines – Tinawag na ‘Black Propaganda’ ni Public Attorney Office Chief, Attorney Persida Acosta ang lumabas na manifesto na nagdadawit sa kanya sa korapsyon.
Maliban kay Acosta, idinawit din sa manifesto si PAO Forensics Chief, Dr. Erwin Erfe na inihain ng mga hindi pinangalanang PAO lawyers sa Office of the Ombudsman sa pamamagitan ni Attorney Wilfredo Garrido Jr. para isyuhan sila ng preventive suspension order.
Ito ay may kaugnayan sa anomalya sa Dengvaxia vaccine, kabilang na ang pagbili ng office supplies, tarpaulins, t-shirts at kabaong na ginagamit sa mga rally.
Nagkaaroon din umano ng ‘workshop’ tungkol sa mga nakabinbing Dengvaxia cases.
Ayon kay Acosta, bahagi lamang ito ng demolition job at ‘media blitz’ para i-harass ang kanilang tanggapan at mga abogado.
Nanindigan si Acosta na walang korapsyong nagaganap.
Pinuna rin ni Acosta ang manifesto dahil walang pirma at pangalan ni Garrido.
Hinamon ni Acosta si Garrido na patunayan niya ang mga alegasyon dahil pwede siyang kasuhan ng disbarment.