PAO, ininspeksiyon ang lugar kung saan itinapon ang walong taong gulang na batang brutal na pinatay

Personal na nagtungo si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta sa lugar kung saan natagpuan ang walong taong gulang na batang brutal na pinatay sa San Pablo City, Laguna.

Si Rueda-Acosta ang nagsisilbing legal counsel ng pamilya ng biktima. Nagpaabot din ang PAO ng pakikiramay at tiniyak ang patuloy na tulong legal sa pamilya ng bata.

Matatandaang pansamantalang pinalaya ng Philippine National Police (PNP) sa Laguna ang suspek sa krimen.

Ayon sa San Pablo City Police, ipinag-utos ng City Prosecutor’s Office ang pagpapalaya sa suspek dahil sa kakulangan pa ng ebidensiya.

Gayunman, inatasan ang pulisya na mangalap pa ng karagdagang ebidensiya laban sa suspek, na pinsan umano ng ama ng biktima.

Facebook Comments