PAO: Pumatay kina Arnaiz at de Guzman, posibleng isang grupo lang?

Manila, Philippines – Naniniwala si Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta na sinadyang pinatay ang 14 anyos na si Reynaldo de Guzman para hindi makapag testigo sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz.

Ayon kay Acosta, batay sa post mortem examination sa labi ni alias Kulot, dalawa hanggang tatlong saksak sa dibdib ang maituturing na fatal wound nito.

Pero, pinararami aniya ang saksak o dalawampung saksak pa ang itinarak sa binatilyo kahit patay na ito.


Idinagdag ni Acosta na may paggkakapareho ang nangyari kina Arnaiz at Kulot kung kayat malamang na iisang grupo ang pumatay sa mga ito.

Tulad ni Carl Angelo na kinakitaan ng mga palataan na binugbog o pinahirapan muna, may nakita rin aniyang dalawang injury o sugat sa mata, ilong at bibig ni de Guzman.

Hindi rin bababa sa 24 hours nang pinatay bago itinapon sa sapa sa Gapan Nueva Ecija si de Guzman.

Si Kulot ay halos tatlong linggo din na nawala.

Facebook Comments