PAOCC, itinuturing na “symbolic” ang pagkaka-convict kay Alice Guo

Itinuturing ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na “symbolic” ang conviction ng Pasig Regional Trial Court kay Guo Hua Ping, aka Alice Guo, dahil sa illegal POGO operation.

Ito ang inihayag ni PAOCC Executive Director Benjamin Acorda matapos ang kanyang pagdalo sa pagbaba ng hatol kay Guo at iba pang akusado.

Kanina, ibinaba ng Pasig Regional Trial Court Branch 167 ang hatol na reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong laban sa dating alkalde ng Bamban, Tarlac, dahil sa kasong qualified human trafficking.

Kasama rin sa mga hinatulan ang tatlong iba pang akusado na sina Rachelle Malonzo Carreon, Jaimielyn Cruz, at Walter Wong Rong.

Forfeited din ang Baofu Land Development Corp., kung saan itinayo ang ni-raid na scam hub sa Bamban.

Facebook Comments