PAOCC, kinontra ang katwiran ng mga Pro-POGO na wala silang nabibiktimang mga Filipino

Kinontra ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pahayag ng mga pabor sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na walang Filipino ang nabibiktima sa naturang mga ilegal na negosyo.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Usec. Gilbert Cruz, executive director ng PAOCC na may mga ulat na sila ng ilang mga Pinoy na naloko ng mga POGO lalo na sa ibang bansa.

Aniya, dahil sa sangkot sa illegal na mga sugal vis online ang mga POGO, wala rin katiyakan na hindi nabiktima ang mga Pinoy na nasa loob ng bansa kabilang na ang mga kabataan.


Matatandaan na iniuugnay sa mga POGO ang mga kumakalat na text messages at chat na humihikayat sa publiko na maglaro ng online na sugal.

Bukod pa ito sa mga text scam kung saan may mga link na pinapa-click saka mapapasok o maha-hack ang social media accounts gayundin ang e-wallets at bank accounts hanggang sa maubos ang pera ng mga biktima.

Facebook Comments